Burnout
Posted by dunkin at 12:41 AM on November 2, 2003.
O wag kang tumingin ng ganyan sa akin
Wag mo akong kulitin, wag mo akong tanungin
Dahil katulad mo ako rin ay nagbago
Di na tayo tulad ng dati, kay bilis ng sandali
O kay tagal din kitang minahal
Kung iisipin mo di naman dati ganito
Teka muna lang, kelan tayo nailing?
Kung iisipin mo, di naman dati ganito
Kay bilis kasi ng buhay, pati tayo natangay
O kay tagal din kita minahal
Tinatawag kita sinusuyo kita
Di mo man marinig, di mo man madama
O kay tagal din kitang mamahalin
--------------------------------
Haaay… sad song no? Sad yet sweet…
Minsan kasi dapat di minamadali ang mga bagay, kaya lang kelan mo ba talaga masasabi na “panahon” na “iyon”?
Paano kung napasobra ung panahon na iyon at sa kahihintay at sa katagalan e mawala na lang bigla?
Paano naman kung sadyang minadali ang mga bagay sa takot na mawala ang sandali ng tamis?
Paano kung ang inyong “timing” e hindi eksakto?
Ang dami kong tanong… haaay…
I got a text message kanina, it goes sumthin like this:
Admiration when lost can find a new one, feelings when lost may never come back, trust when lost s hard to regain, BUT true love when lost is never true at all
Kelan ba ako magmamahal na walang masasaktan?
---------------------------------------------
Sa mga taong makakaintindi:
Marami na akong minahal (take note: minahal, di ko sila mahal, malabong malabo na sila’y mamahalin pa).
Normal po sa aking abnormal na paguugali na ikuwento sila ng wlang malisya sa taong mahal ko ngayon. Kasi ang aking nakaraan ay kaya ko nang harapin ngayon, kaya ko na silang banggitin ng walang pagaalinlangan at kabang mararamdaman pa ang lungkot na nararamdaman nung kami’y “kami” pa.
Isa po itong pagpapahiwatig na ako’y di na humahawak pa sa nakaraang di kagandahan ang kinalabasan. Ito po ay pagpapahiwatig na ako’y handa nang humarap sa panibagong pakikipaglaban kung ako man ay bibigyan ng tsansa na lumaban muli.
Nais ko sanang humingi ng tawad sa taong aking nasaktan dahil ako ay insensitibo minsan. Pasensya na sadyang istupido si kokee minsan. Siguro’y masaya lang siya. Sa sobrang saya e kung anu ano na ang pinagsasabi niya.
Natanong mo ba kung bakit siya masaya?
Masaya siya kasi kasama ka niya…
Masaya siya sa iyo…
Di mo kailangang patunayan o ipakita na mas magaling ka o mas may hitsura ka at kung anu ano pang “mas” para lang piliin ka niya…
Dahil para sa kaniya, isa ka sa mga perpektong tao…
Dahil para sa kaniya, simple lang ang kaligayahan, simple lang ang katuparan ng kaniyang mga pangarap, simple lang ang buhay…
At ikaw iyon…
Salamat
Ngayon siguro naman titigil na ako sa pagiyak





too bad, its one of my fave subjects pa naman.